Saturday, October 8, 2005

Cold Water

cold cold water surrounds me now
and all i've got is your hand




Ilang oras lang akong nakatulog kagabi. Hindi kinaya ng aking katawan ang aking nakita at nalaman. Para bang biglang kinayod ang kaloob-looban ko sabay pinuno ng malamig na hangin na kahit anong gawin ko ay hindi ko mailabas.

Ilang yosi rin ba ang nahithit ko mai-compose ko lang ang sarili ko? Ilang kaibigan ba ang tinext ko makahanap lang ng kausap para man lang mapawi ang hapdi at sakit na nararamdaman ko?

Pero wala talaga eh... anuman ang gawin ko, naiwan akong durog at dapa at hirap huminga sa sama ng loob na dinadala ko.


cold cold water surrounds me now
and all i've got is your hand



Simula ng nahuli ko siya, hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na text mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang naging impact sa kanya ng lahat pero marahil naghahanap rin siya ng paliwanag na maibibigay sa akin.

Ibig sabihin lahat ng pagsabi niya ng "i love you" at "loyal ako sayo" eh wala rin palang katuturan... Lahat pala ay pawang bola lang.

Sana ginawa ko ito noong naghahari si Darkstar sa akin. Sana nangyari ito noong panahong handa na akong bumitaw sa kanya.

Pakiramdam ko kasi ngayon, ako'y isang malaking porselanang vase na biglang sumabog at ang mga milyon milyong piraso ko ay nagkalat kung saan saan... na kahit na mismong emosyon ko eh pinipilit kong buuin mabigyan lang ng proteksyon ang sarili ko.



cold cold water surrounds me now
and all i've got is your hand




Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Maliwanag sa akin na kahit araw arawin ko pa ang SEB ko at mas maging daring ako sa sex, alam kong ito'y isang bagay na sadyang kahit anong gawin ko ay kelangan kong harapin ng buo at hindi maaring takasan.

Kahit naman nagkasala ako sa kanya, hindi ko ito pinaabot sa ganito. Kahit kadalasan ay pagod na ako kakabigay, kakasakripisyo eh siya pa rin ang laging nasa isip ko.

Ngayon, alam ko na kung ano ang pakiramdam ng mga kaibigan kong nasaktan at nadurog gaya ko. Hindi pala madaling bumangon...

Hanggang salita lang pala madalas tayo.



no one's daughter allow me that
and I can't let go of your hand

don’t you know i love you
and I always have





*lyrics by Damien Rice

No comments: