Sunday, October 23, 2005

To Repost

I wrote this poem weeks after dad's passing:

---

Saan Tayo Magsisimula


babangon
pupulutin ang mga nagkalat na
damit na naiwan ng
ikaw ay lumisan.

titingin sa bintana
at pagmamasdan ang
dapithapon ng iyong buhay,
ang iyong mga ala-ala'y
bakas pa rin sa aming mga
kamay.

muli
ay bubuksan namin
ang pintuan ng iyong
opisina.
susubukang halungkatin
ang mga papeles na iniwan mo
sa iyong pag alis.

kasabay ng ihip ng
hanging bumubulong ng iyong
pangalan, bubuuin namin
ang mga pira-pirasong
gunita ng iyong isipan,
dahan dahan naming ibabangon
ang iyong bumagsak na dambana

at unti unti naming papawiin
ang mga alikabok mula sa bintana ng
iyong kwarto.

sayang,
sa iyong pagmamadali
iniwan mo ang iyong
panyong magpapaalala sana
sa ating naulilang nakaraan.

---

your sister revealed that today is your birthday.
instead of the 26th
you should have been celebrating your 49th right now.

wherever you are dad...

Happy Birthday.

for all the good, sweet and bitter times,
i sincerely wish that you are at peace
in the afterlife.

No comments: