Saturday, April 12, 2008

Gym Trouble

Dear Diary,

Mahigit dalawang taon na rin akong nag-wowork out sa gym. Sa tagal kong kumakain ng bakal ay ni minsan ay hindi ko inisip makipaglandian sa kapwa gym mate ko, gaya ng mga naririnig kong mga nangyayari sa loob ng sauna ng Fitness First at iba pang mga gym.

I'd always assume a straight act para walang masabi sa akin ang mga tao sa gym ko. Sometimes, I encourage other PLUs to work-out in my gym pero hanggang doon lang ang trabaho ko. Wala sa bokabularyo ko ang lumandi, ang makipagtitigan sa mata, at lalong-lalo na ang may gawing milagro sa loob ng shower cubicle. In the first place, beyond sa powers ko gawaing ganun. Ako'y isang hamak na nagbubuhat lamang.

Ngunit nitong mga nakaraang work-out ay tila ba may humahamon sa aking prinsipyo. Kasalanan ko rin naman ang lahat. Kaya lang sa pagkakataong ito, hindi ko inaasahang aabot sa ganung hamunan ang aming pakiramdaman. For a moment, I was close to living the erotic gym stories of others. This time however, I was able to deflect the threat thanks to my ignorance when it comes to reading other people's signals.

---

Nagsimula ang kwento last week. Gaya ng kinagawian ay nagbuhat ako ng tanghaling tapat upang hindi gabihin ng pag-uwi galing sa work. Tapos na ang work-out ko noong araw na iyon. Nakapagshower na nga ako't pabihis na nang biglang pumasok sa loob ng locker room ang isang ginoo na ang kakisigan ay di nakalampas sa aking mga tingin.

Mukha siyang galing sa military. Tangkad niya'y six footer, malapad at malaki ang kanyang katawan at ang higit na nakakahumaling roon ay morenong kulay ng kanyang balat. Pumuwesto siya ilang dipa mula sa bench kung saan ako nagbibihis. Palibhasa'y ka-text ko ang isa sa aking mga anak kaya naman naiwan akong nakatayo't naka-shorts lamang. Siya naman ay nagsimulang magtanggal ng T-shirt at pantalon sa harap ko. Tangina, nang mahubad na niya ang kanyang saplot ay siya namang focused ng mga mata ko sa kanyang katawan. Naalala ko bigla ang mga wild moments ko sa Club Bath kung saan bigla na lang may lalamutak sa labi mo sabay pasok kayo sa isa sa mga cubicles doon.

Di makakailang firm at maumbok talaga ang kanyang chest at malaki rin ang kanyang mga braso. Pinapantasya ko pa lamang kung paano niya ako papahirapan sa kama eh hindi ko na mapigilang hindi tigasan. Mukha kasi siyang tatay at mula na rin sa aking personal na experience eh talagang barako mangromansa ang mga daddies.

Napansin tila ng ginoo ang aking mga kilos dahil na rin sa tagal ng titig ko sa kanyang katawan. Nagkataon rin naman na bumuhos ang mga text ng mga kaibigan kaya natagalan ako bago makapagbihis. Akala niya siguro'y sadya ang pagpapansin ko sa kanya. Bunga nito, sa limang minutong nagtagal ako sa locker room ay ganoon rin ang tinagal ng ginoo. Sa halip na nagwowork-out siya'y naroon siya't nakaupo sa katapat na bench, nakikipag-text rin kung kanino kagaya ko.

Natapos lamang ang eksena nang ako na mismo ang nagpasyang tumayo at lumabas ng locker room. Saglit lamang ang pagitan namin at tumayo rin siya't dumiretso sa cardio machines.

Upang makaiwas sa tawag ng tukso, nang sumunod na work-out ay nagdesisyon ulit akong bumalik sa panggabi.

---

Limang araw ang lumipas at nakalimutan ko na ang mga pangyayari. Inassume ko na rin kasi na maaring nag-fefeeling lang ako't wala naman talagang kahulugan ang mga eksena sa amin. Bumalik ulit ako sa tanghaling schedule kanina upang bigyang space ang night-out ko mamayang gabi. Akala ko ay natatapos na roon ang kwento, ngunit ito'y may kasunod pa pala.

Natatandaan ko ang mga tagubilin ni Tripper nang isinangguni ko sa kanya ang mga nangyari last time. Ang sabi niya, obserbahan ko daw maiigi ang kilos ng ginoo sakaling magkasalubong ulit kami sa loob ng gym. Sabi ko pa nga'y malabo na iyon dahil nakalimutan na rin niya siguro ang mga nangyari. Yun ang aking pagkakamali, sapagkat hindi pa ako natatapos sa benchpress kanina'y siya namang dating niya sa gym.

Iba talaga ang hamon, lalo na't alam ng kalikasan kung gaano katindi ang iyong paglaban sa libog.

Pagkadating na pagkadating pa lang niya'y nagkasalubong na kaagad ang aming mga tingin. Noong una pa nga'y dedma lang ako't baka dahil sa labo ng mata ko'y sa iba pala siya nakatingin at hindi sa akin.

Pero si ginoo talaga ang gumagawa ng paraan para magpakiramdaman kami. Mula sa Benchpress hanggang sa 185 lbs kong Squats - na dinedicate ko kay Punked kaninang umaga ay panay ang tingin ng lalaki sa akin. Hindi pa siya tumigil doon sapagkat habang ginagawa ko ang Dynamic Rows ay dumaan siya sa tapat ko. Malinaw at matagal ang aming titigan na tila ba may halong meaning. Nakita ko pa nga siyang ngumiti eh. Ako nama'y handa nang mag-reach out at makipag-usap sa kanya. Ang problema nga lamang ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Hindi ko kasi napapansin na mabigat ang kanyang binubuhat.

Hindi ko rin naman alam kung ano ang program na kanyang sinusunod.

Natapos ang aking work out na walang nangyari. Pagkaraan ng matagalang titigan ay napunta rin sa wala ang lahat. Bumalik ako sa locker room ng hindi lumalapit sa kanya. No use rin kasi't wala naman akong balak makipag-kwentuhan pa. Natatakot rin akong mag-assume at baka mali pala ang basa ko. Hindi rin kasi ako sanay sa ganitong klaseng kalakaran.

Kaagad akong nag-alis ng sando't pumunta sa shower cubicle. Siya namang pasok sa locker room ng isa pa naming kasabay sa work out na semikal at maganda rin ang katawan.

Habang nasa cubicle at naliligo ay bumukas ang glass door ng shower room. Bumukas ang kurtina ng isang cubicle hindi malayo kung saan ako nagshoshower. Rinig ko ang pihit ng gripo at ang kasunod na patak ng tubig galing sa showerhead.

"Ah si semikal cutie nagshoshower na," pangiting bulong ko sa sarili.

"Ohhhhh, Ahhhhh... Ummmm..." May ungol galing sa kabilang cubicle habang squeaky ang tunog ng kanyang pagsasabon ng katawan.

Sa loob-loob ko'y natatawa na lang ako sa kasabayan ko. Posible kasing malamig lang ang tubig at bumubwelo lang siya gaya ng ginagawa ng lahat kapag bumuhos ang malamig na tubig sa katawan ng isang tao. Kapansin pansin nga lang na masyado siyang ma-eskandalo sa kanyang pag-ungol.

Tila ba may ibang kahulugan ang mga ingay na nangagaling sa loob ng kanyang cubicle.

Pamilyar kasi sa akin ang mga ungol na iyon. Iyon ang mga klase ng ungol na sabayan mo lang ng bayo at tiyak pareho kayong pupulandit sa chorus niyo. Hindi ako magkakaroon ng mga regular SOP buddies noon na panay ang miskol sa akin tuwing sasapit ang madaling araw kung hindi ako eksperto sa mga bagay patungkol doon.

Kumbaga nga sa pag-aaral. Nasa doctorate degree na ako pagdating sa SOP.

Dali-dali akong nagtuyo ng katawan at lumabas ng aking cubicle upang umiwas na rin sa aking maduming iniisip. Sabagay, baka naman talagang nilalamig lang si semikal cutie kaya naman ang ungol eh parang may karomansahan sa loob ng shower cubicle niya.

Pero laking gulat ko na lang sapagkat sa aking paglabas ng salamin na pintuan ay naroon pa si semikal cutie at nag fle-flex ng braso sa harap ng salamin.

Doon ko na-realize na kung sino man ang kasabay kong nag-shower ay makahulugang nagpapatama sa akin. Tama yata ang hinala ko. Ungol ng isang barakong nanghahamong makipagsalsalan ang narinig ko't hindi isang ungol ng nilalamig sa tubig.

Ilang minuto pa'y lumabas ang lalaking kasabay ko sa shower.

Tangkad niya'y six footer, malapad at makisig ang kanyang pangangatawan at dahil wet look pa ang kanyang morenong kutis ay higit na mas kalibog-libog ang tindig niya sa may pintuan ng shower room.

Sadyang sumunod pala sa akin si ginoo. Ang lahat ng kanyang galaw simula pa noong isang linggo'y malinaw at wala ng kaduda-duda pa.

---

Epilogue: Sa tapat ko pa naghubad ng damit si ginoo at iniwan lang ang kanyang puting brief para higit na mas makakuha ng pansin... sa akin. Balak ko sana siyang tapatan sapagkat kahit higit na mas maliit ang katawan ko'y may ipagyayabang rin naman ako... Ang problema nga lang ay masyado nang bakat sa brief ang sa akin, kaya naman napilitan akong mag-t-shirt muna bago palitan ng pantalon ang aking suot na shorts. Hindi na rin ako tumingin sa kanya upang umiwas sa anumang pakiramdaman na maaring mauwi pa kung saan.

Ayoko sana mag-assume ng mga bagay-bagay, lalo pa't hindi naman talaga ako tiwala sa aking kakayahan. Pero simula kay taxi driver hanggang kay ginoo ay tila ba may malinaw na connection sa mga naganap nitong linggo. Ayoko rin sana isipin na dahil sa deprived ako ngayon sa aking pangangailangan ay iba na ang tingin ko sa mundo. Mahirap magbitiw ng salita... at sa totoo'y hindi ko alam kung gaano ako tatagal ng walang earth-shaking...

Ang mga kaganapan ay kasalanan ko rin lahat. Ako ang unang tumingin. Siya lang ang kumagat at pumansin sa akin. Given that the events happened at a time na palaban talaga ako, I would have done something that would make this entry end in a KK-esque way. Hindi pa tapos ang engkwentro, sigurado yun. Pero gaya ng pangakong ayaw ko talagang baliin, hanggang may challenge si Kuya ay mag-cocontrol ako.

Resistance is futile. Sabi nga ng mga Borgs.

But the struggle must go on. Hirit ko naman
.

No comments: