Sunday, April 6, 2008

Night Of Temptation | Dominus In Control - First Part

I have to blog this experience because chances are, I'd forget about it when I wake up sober later.

Ang tadhana kapag naghamon, aasarin ka talaga kung hanggang saan ang ititigas mo.

---

Isang buwan na rin simula noong lumabas ako ng hibernation at nagsimulang makigimik kasama ng mga barkada ko. This time, mga tiga-HB naman ang pinaunlakan ko sa lakaran sapagkat bukod sa matagal ko na rin silang hindi nakikita, hindi makakailang sobrang na-miss ko rin sila.

Masaya naman ang inuman sa Gilligans. Naroon ang mga tsismisan kung sino ang nagliligawan sa PEx at naroon rin ang mga usapan kung sino ang tumaba at pumayat mula ng huli kaming nagkita-kita. Malaki na nga raw ang pinayat ko, sabi na rin nila. Pero ang higit na mas nakakaenjoy ay yung ikaw na ang nagbibigay ng payo kung paano pumayat, o mag-build up ng katawan dahil pinagdaanan mo na sa buhay ang phase na iyon.

---

Nagkataon rin na pagkaraan ng mahabang panahon ay nagawi si Mister B sa Malate. Kung matatandaan, si Mister B ang sinabihan kong magpaalala sa aking huwag maginarteng bisexual nang minsang nakipaglandian ako sa babae. Kasama niya kanina ang kanyang buddy at naging pagkakataon ito upang makilala kung sino ang pinakamamahal niya.

Dahil nasa Chelu na rin ang mag-irog ay naisipan kong sumunod sa kanila. Gaya ng sabi ko noon, medyo mahirap na para sa akin ang mag-clubbing mag isa kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon para bumalik ng nasabing bar kasama nila.

Ayus naman ang crowd. Gaya ng dati ay puro mga bading pa rin ang nasa loob ng bar. Simula noong huli akong naghasik ng lagim sa Club Bath ay may isang bagay akong natutunan tungkol sa pakikisalamuha sa kapwa PLU. Aaminin ko, tingin ko sa aking sarili ay Class-B Hipon lang, ngunit kapag umasta akong maangas, manly at aggressive sa aking kilos ay hindi malabong makaporma ako sa lalaking trip na trip ko.

Yun ang nangyari kanina, binalak kong umiskor sa binatang napansin kong sumasayaw sa dance floor.

Sa tatlong bote pa lang ng San Mig Light ay may tama na ako. Oatmeal lang kasi ang kinain ko sa hapunan. Itong pagiging senglot ko rin ang dahilan kung bakit kahit ang sikip-sikip sa dance floor, para akong sanggano kung makipagbangaan sa mga nakakasalubong ko. Itong banggaan rin marahil ang dahilan kung bakit napansin ko ang binata habang nagsasayaw siya malapit sa dulo ng ledge.

Kung pagmamasdan ay hindi naman siya ganun kagwapuhan. Mga 5'7 siguro ang tangkad niya, moreno ang kulay ng balat at makapal ang labi na ang sarap siguro halikan. Gaya ng sinabi ko kay Gripen noong isang araw, hindi ako papatos ng mukhang lambutin pa kesa sa akin. Kanina, habang nagsasayaw siyang mag-isa ay tingin kong isa siya sa pinaka-astigin na napansin ko sa bar.

Ang diskarte ng paglalandi ay madali lang. Tumapat ako sa harap niya habang lumalagok ng San Mig Light. Patuloy naman siya sa pagsasayaw na tila walang pakielam sa mundo. Nang kinalaunan siguro'y napansin niya ang pagpapapansin ko. Maaring trip niya rin ako kaya't inaya niya akong makipagsayaw sa kanya. Habang palapit ng palapit ang katawan namin sa isa't isa ay patindi naman ng patindi ang tensyon sa pagitan namin. Sa takbo ng utak ko nang mga oras na iyon ay ito marahil ang debateng nagaganap sa aking kunsensya:

---

Darkstar: Fuck pare trip ko siya! Trip niya rin si Joms. Tara patusin na natin.

Mugen: Gusto ko rin siya. Kaso nahihiya ako eh.

Pulsar: Gusto ko rin siya, kaso masama ito.

Dominus: For the love of God, magsayaw na lang tayo.

Darkstar: Sira ka ba? Palay na ang lumalapit sa manok aatras pa tayo?

Dominus: Eh kung sa tingin ko ba ay mali, papayag ba ako?

Darkstar: Pagkakataon na to. Top o bottom siya, dadalhin ko siya sa kama! I'm so tigang na.

Dominus: At ang kabayaran ay ang ating karma. Sira ka ba, nangako si Joms. Hindi niya pwedeng bawiin yun.

Pulsar: Honga, sayaw na lang tayo. No kissing ha. Balik na lang tayo sa ledge. Mas safe dun!

Mugen: I'm getting a boner. Paano to mga parekoy?

Darkstar: Dikitan pa natin ng sayaw. Kapag nilapit niyang mga labi niya, lalamutakin ko talaga. Pustahan tayo hindi niya kakalimutan kung gaano ako kagaling humalik.


---

Mabuti na lamang at may kasama itong si binata. Nang maramdaman niyang umiinit na ang eksena ay umatras itong bigla upang sumama sa kanyang kabarkada.

Nagkataon naman na sa kanyang disengagement ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na hanapin sina Mister B at ang kanyang buddy upang dumikit pansamantala sa kanila.

---

Lumalim pa ang gabi at tuluyan na akong tinamaan matapos uminom ng dalawa pang beer. Matapos ang ilang buwan ay nagkita ulit kami ni Bamboo-looking guy na naging kalandian ko noong minsang naligaw ako sa Che'lu.

Sobrang pumayat na siya ngayon. Hindi na rin niya matandaan ang pagmumukha ko. Ito man ay dahil sa kanyang kalasingan, ngunit ang nakakalungkot doon ay kahit na trip trip lang ang aming encounter ay hindi ko siya kinalimutan. Blame it on the number of guys he had flirted with while I was away. Pero gaya ng paulit-ulit na storya ng mga PLU sa Malate, Past is past. There's no choice but to move on and forget everything.

Pero hindi ko talaga siya makalimutan eh. Labag man sa aking kunsensya ay naisipan ko pa ring tumambay sa tapat niya mismo habang inuubos ang huli kong bote ng beer. Sa bawat pagsulyap ko sa kanyang mga mata'y siya namang ilag ng sa kanya. Sa huli, hindi lamang siya ang naging aking distraction sapagkat sa tabi niya'y umupo ang aking pinaka-kinalilibugang bet na kasayaw ko lang tatlungpung minuto ang nakakaraan.

It's like past and present sitting side by side tempting me to choose only one.

Tumagal siguro ng limang minuto ang aming stand-off. Panay ang tingin ko sa dalawa ngunit sila naman ay nakatingin sa malayo. Sa huli'y umalis ang aking boytoy siguro ay para habulin ang kanyang barkada. Si Bamboo-looking guy naman ay nagmukhang lalong wasted ngayong nasisinagan na siya ng strobe lights galing sa ceiling.

Ganun siguro talaga sa Malate. You're as good as one dance for the night.

Matapos maubos ang iniinom kong beer ay nagpaalam na ako kay Mister B at sa kanyang buddy. Mabait naman si buddy kaya't tiwala akong masaya talaga ang aking kaibigan.

I had fun and for the first time, natupad ko na ang pangarap kong magsayaw ng walang dala-dalang excess fat sa katawan.

Ngunit kung merong isa mang scene sa loob ng Chelu ang hinding hindi ko makakalimutan.

Iyon ay noong ako ay nasa ledge, samantalang sa baba naman ay naaninag kong hawak kamay na sumasayaw si Mister B at ang kanyang buddy. For a time there, I sincerely wish I stayed home to rest beside my buddy. Hindi man nila namalayan ngunit habang nakatingin ako sa kanilang dalawa ay hindi mapawi ang ngiti sa aking mga labi.

Sumakay ako ng taxi sa kanto ng Orosa at J.Nakpil. Sa mga oras na iyon ay umaasa akong wrap-up na ang gabi ko.

Ngunit ang hamon ay hindi pa nagtatapos doon. Iyon pala ay may higit na mas challenging na kasunod...

---

-tobecontinued-

for past references, see also the blog entry: Che'Lu

No comments: