Sunday, April 6, 2008

Night Of Temptation | Dominus In Control - Last Part

Matagal din kaming tumahimik. Manaka-naka pa rin akong nagnanakaw ng tingin sa kanya.

“Ikaw ba, may asawa ka na?”

“Oho sir. Dalawa na nga anak ko eh.”

“O sayang naman. Ang gwapo mo eh nagpatali ka kagad.”

“Nabuntis kasi sir. Kaya pinakasalan ko na. So paguwi nyo sir matutulog na kayo nyan?”

“Malamang hindi pa. Siguro magpapaantok muna.”

“Magpapakantot sir?”, sabay ngiti.

- Very Very Graphic Content, Eon

---

Nabasa ko itong entry sa blog ni Eon isang buwan na ang nakakaraan. Noong una pa nga'y natatawa ako sapagkat hindi ko mawari kung ito ba'y totoong nangyari o isang kathang isip lamang. Nang matapos kong basahin ang entry ay kaagad ko rin itong nakalimutan, ngunit ilang linggo lang ang nakalipas at isang kaibigan naman ang nagkwento sa akin ng kanyang experience sa taxi driver.

Confession niya sa akin na may nangyari daw sa kanila ni manong nang minsang magpahatid siyang lasing pauwi galing sa isang pagsasalo. "Grabe ateh bigla ko na lang siyang dinakma," text niya sa akin. "Hindi naman pumalag si taxi driver, natuwa pa nga siya eh." dagdag pa ng aking kaibigan.

Sa kwentongkalibugan ay iba't ibang istorya na rin ang nabasa ko. Merong mga sex stories tungkol sa jeepney driver, FX driver, tricycle driver at pati na rin sa taxi driver. Mukha ngang over-exposed na ako sa kababasa ng ganitong tema ng mga storya na kahit hindi siya bahagi ng aking experience ay parang naranasan ko na rin makipag-trip sa ganitong mga tao.

At sa kabila ng mga pantasya kong makatikim ng true-blue ER (Laborer) bilang partner, alam kong wala akong bayag para sumabak sa ganitong experience. Hindi rin nila siguro ako papaniwalaan na PLU. At kahit sa dinami-dami ng kwentong taxi driver ang pumuno sa aking imahinasyon nitong mga nakaraang linggo ay hindi ko kailanman inisip na mangyayari sa akin ang ganoong kwento...

... Hanggang kagabi.

---

Umuwi akong lasing matapos magsayaw sa Che'Lu buong magdamag. Marami pang tao sa kalsada ngunit dahil sa ako'y bangenge na, ang tanging hangarin ko na lang ay makahanap ng taxi na magdadala sa akin pauwi.

Nagkataon naman na may humintong cab sa harap ko. Pagkasakay na pagkasakay ko pa lang dito ay napansin ko na kaagad ang taxi driver: Singkit ang kanyang mga mata, payat ang katawan at maputi ang balat. Halatang bata pa siya at obvious na malakas ang dating niya sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung naka-jackpot ba ako o dapat akong maasar sa aking kaawa-awang kinasadlakan.

Tinanong niya ako kung saan ang biyahe namin. Sabi ko ay sa Santa Mesa. Maayos naman ang bungad niya sa akin hanggang sa kanyang hinirit na maraming taong gumigimik samantalang adaming taong naghihirap.

"Nilibre lang ako ng tropa ko." Depensa ko sa kanya.

Upang malaman ang ugat ng kanyang paghihimutok ay tinanong ko kung ilang taon na siya.

"Ano sa tingin mo?" Balik niya sa tanong ko.

"Twenty six, hula ko magkasing-edad tayo."

Napangiti lang siya't napaisip ng malalim. Sinabi niyang mas matanda siya sa akin ng isang taon. At the back of my mind ay naaliw ako dahil nakatyempo ako ng taxi driver na hindi malayo ang edad sa akin.

Nagpatuloy ang kwentuhan. Interasado talaga ako sa kanya eh.

Habang binabagtas ang Taft Avenue ay natanong ko kung may pamilya na siya. Noong una'y ayaw niyang sagutin ang aking tanong. Ngunit dahil sa ayaw rin niyang maputol ang aming kwentuhan ay inamin rin niyang may asawa't anak na siya. Noong mga oras na iyon ay 50 pesos na lang ang laman ng wallet ko. Upang may ipambayad sa taxi ay kinailangan ko pang maghanap ng ATM na madadaanan namin.

Ilang minuto bago kumanan ng UN Avenue ay pansin kong panay ang pahaging sa akin ni taxi driver tungkol sa problema niya sa pera. Tinanong nga niya ako kung magkano daw mabebenta ang kanyang "i-phone" na halatang pinirata galing Tsina para panustos sa kanyang pamilya. "Punta ka sa Greenhills," payo ko. "Marami dun ang bumibili ng phone kagaya ng sa iyo."

Sa hindi malamang dahilan ay tila nagiging tense ang sitwasyon naming dalawa sa loob ng taxi. Bukod kasi sa panay ang buntong-hininga niya'y panay rin ang unat ng kanyang mga binti sa tuwing may ikukwento sa akin. Hindi pa kasama dito ang kapansin-pansing bangga ng kanyang maugat na kamay sa aking binti sa tuwing siya'y hahawak sa kambyo ng sasakyan. Aware ako na isang maling tanong sa kanya't baka mauwi sa kung saan ang aming kwentuhan. Kaya naman kahit na nagpipigil akong sumulyap sa kanyang singkit na mga mata'y sinadya kong umiwas at tumingin na lamang sa kalsada.

Nalaman ko sa aming kwentuhan na nakatira sa probinsya ang kanyang pamilya. Nalaman ko rin na hanggang alas-7 pa siya ng umaga sa daan at kulang pa ang kanyang boundery noong mga oras na iyon. Tangina, kung hahayaan ko lang na ang katarantaduhan ko ang bumangka sa aming usapan ay madali ko siyang natanong kung may maitutulong ba ako para mapunan ang kanyang pangangailangan. Ang dali dali sanang sabihing "pare trip kita, painit tayo, ako nang bahala sa boundery mo." Kahit sa totoo'y wala naman akong pera. Hindi makakailang talagang nalilibugan ako habang kasama siya sa loob ng taxi, ngunit dahil hindi ko ugaling magpahaging sa ibang tao'y nanatili akong tahimik sa aking kinauupuan.

Nang mga oras na iyon ay nag-aabang lang ako sa kanyang kamay na humawak sa binti ko o kaya naman ay kunin ang kamay ko sabay lagay sa gitna ng kanyang binti gaya ng ginawa sa akin ni P-Man noon. Ang daming posibleng sitwasyon ang tumatakbo sa utak ko habang nagaganap ang pakiramdaman sa aming dalawa. Ngunit sa kabila noon, isang bagay lang ang pilit kong tinataga sa sarili ko sa kabila ng aming napipintong digmaan.

Word of honor. Yun lang.

Kasabay kasi ng aking "Awakening" ang pangakong hindi na ako magiging naughty hanggang sa kaya kong ilaban. Ang pangakong ito ay hindi ko binitawan sa isang tao ngunit doon mismo sa nagpadala sa akin dito sa lupa. Talk about spirituality in times of temptation. Ang lupit ng conflict! Pero dahil na rin mas mahalaga sa akin ang kapayapaan ng sarili kesa sa tawag ng laman, malakas ang laban ko kagabi. Ayokong sumira ng salita lalo pa't patuloy akong humihingi ng favors sa Kanya.

Pero ang tadhana talaga ang ay ayaw magpaawat. Kung meron ngang hidden camera na nakafocus sa akin ng mga oras na iyon gaya sa Pinoy Big Brother ay talagang pahirapan ang challenge na binibigay ni Kuya sa akin.

Ilang kalye bago ang aming bahay ay may dalawang bangko na may ATM machine sa loob. Bihira lang mag-offline ng sabay itong dalawang bangkong ito ngunit kagabi ay nagkataong sabay talaga sila. Sa asar, sinabi ko kay manong driver na idiretso pa ang taxi malapit sa Stop and Shop.

"Diba dito ka lang sa malapit?" Pagtataka niya sa akin.

"Wala akong pambayad sayo eh. Okay lang yun, para medyo madagdagan ang kita mo sa akin." Pangiting paliwanag ko sa kanya.

Sa tabi ng Jollibee ay may makikitang ATM machine, na noong marating namin ay offline rin pala. Asar man ay nagpatuloy pa ang aming biyahe hanggang sa umabot kami within striking distance sa mga motel ng Santa Mesa. Kahit madilim at walang tao ang paligid ay sobrang liwanag ng mga motel - na kulang na lang ay may chorus na kumakanta upang ako ay lalong asarin. Sa awa na lang ni Kuya ay online ang mga ATM ng BPI sa tapat ng Simbahan ng Parochial. Sa wakas ay nakapagwithdraw rin ako ng pamasahe pauwi.

Pagbalik sa loob ng taxi ay may pinagkakaabalahan si manong taxi driver. Kung hindi ba naman talagang nang-aakit si ginoo ay ewan ko na lang.

"Paano kaya to, binuksan ko yung cellphone at natanggal yung memory card niya. Marunong ka bang magbalik?" Tanong niya sa akin na may ngiting panunuyo.

Hindi pa siya nakuntento sapagkat habang inaayos namin ito ay tila nilalapit niya sa kanyang binti ang na-disassemble na cellphone.

Madali ko naman naibalik ang memory card, na sa hinala ko ay sinadya niyang baklasin upang tumagal ng kaunti ang aming usapan. Sa daan pabalik ay isa isa kong ni-recount ang mga nangyari habang si Manong Driver naman ay sumisipol habang nagmamaneho ng kanyang taxi.
  • Nagkita kaming muli ng mga tiga HB. Bukod sa na-miss ko sina Lostwansoul, Techsupport, Jandreks at Japhet ay na-update rin ako sa buhay-buhay ng mga tropa ko sa Pinoyexchange.
  • Pinakilala sa akin ni Mister B ang kanyang significant other. Bukod sa napaka-friendly nito ay ramdam ko ang kanyang mabuting hangarin sa aking kaibigan. "I'm so happy for you." Ang bulong ko kay Mister B bago ako umalis ng Che'Lu.
  • Tumayo ka lang habang nag-aastang maangas sa loob ng masikip na dance-floor at tiyak makakakarir ka sa trip mo. Siya talaga ang palaban nang kami'y nagsasayawan. Ako naman itong si duwag na pinagdebate pa ang kanyang mga alter-ego tungkol sa morals ng kanyang gagawin. It was so easy to flirt now that I have the confidence to do it. Natandaan ko tuloy yung sabi ni Dr. Magsasaka na hindi nasa itsura yan kundi kung paano mo dadalhin ang iyong sarili. Pero dahil malakas na ang loob ko, natutunan ko na ring magimpose ng control sa aking mga diskarte.
  • Na-meet ko ulit si Bamboo-looking guy. Matapos siyang mag- I love you sa aken at tawagin akong "hon" noong una kaming magkita sa bar ay nakalimutan na niya ako.
  • Finally, nagkaroon ako ng close-encounter sa isang taxi driver and I got to live to tell the tale about him. Ang daming pagkakataon para may mangyari sa amin. Hindi lang ako gumawa ng move. Marahil siya rin ay nakikiramdam kung sino ba ang kasakay niya. Kasasabi ko lang na angas ang asset mo pagdating sa mga PLU, ito ring angas na ito ang weakness mo kapag ordinaryong tripper na ang katapat mo.
Matapos ang pagliliwaliw ng isang gabi ay nakarating rin ako ng bahay. Bilang pakisama kay manong driver ay tinaasan ko ng onte ang tip sa kanya. Aaminin ko, muntikan na akong matalo sa challenge, kung sadya man itong pinadala sa akin. Kaya naman pagkasarang pagkasara ko ng pintuan ng taxi, dagli akong tumingin sa itaas upang maghanap ng bituin sa langit.

"Thank you Lord."

Ang nasambit kong pangiti bago ako maglakad ng pasuray-suray patungo sa pintuan ng aming bahay.

No comments: