Tuesday, April 22, 2008

MMA | Boku Wa Kuma

Masarap tumambay sa gym matapos ang isang intense na work-out.

Naroon na manood ka ng ibang nagwo-work out at magspot ng cute. (Marami nun sa gym ko. Hindi lang sila buff, talagang ripped pa ang mga katawan!) Minsan naman, masarap magmasid kung sino talaga ang mga adik sa 45 lbs iron plates. Bilang isa sa mga old-timers ng Eclipse, nakaka-insecure minsan na malaman na yung nagbubuhat sa tabi mo ay higit na mas mabigat ang weight capacity sa squats kesa sa iyo. (Shit, bakit kaya niya ang 190 lbs samantalang ako ay hanggang 180 lang? Hindi kaya dahil EDT ang program ko at ang kanya naman ay 5X5 lang?) At the best sa lahat, masarap tumambay sa gym pagkatapos ng isang intense na work-out upang umamoy ng kapwa PLU na nagpapaka-straight all for the sake of maintaining the "all-barako" environment ng gym namin.

Masyado kasi nilang tinitira ang Fitness First sa mga forums (gaya ng Men's Health at Pinoyexchange) dahil sa mga nangyayari sa loob ng locker at shower room nito. Kaya naman sa amin, mariing pinagbabawal ang gumawa ng kahit anong kalokohan sa loob ng locker room. Dati pa nga ay may nakapaskil na warning na "anyone caught doing acts of immorality inside the gym premises will be subject to voiding of membership." Ganun. Therefore, kahit anong paramdam ni Ginoo sa akin nitong mga nakaraang linggo ay ignore lang ako.

Subalit dahil lagi akong ipit sa aking trabaho, ang pagtambay ay ang "the least of my priorities" sa tuwing magagawi ako sa gym.

Hanggang kanina. Natyempo kasi ang pagbubuhat ko sa araw na wala akong pasok sa trabaho.

Sa totoo lang, matagal ko nang pinag-iisipan kung makakabuti ba sa akin ang mag-enroll sa kanilang Mixed Martial Arts program.

Naalala ko kasi yung kaguluhang naganap dito sa aming lugar ilang linggo na ang nakakaraan. Sakaling nagkainitan kami ng war-freak kong kapitbahay, di malayong magpakita ako sa inuman ng mga tropa na may black-eye sa mata.

Isa pa, nanghihinayang rin ako kasi sa

laki at lapad kong ito,

hanggang sindak lang ang kaya kong gawin sa ibang tao. Hindi ko pa kasi natetest kung yung pagbabatak ko ba sa gym ay may epekto rin sa tigas ng aking kamao.

Kaya naman kanina, sa unang pagkakataon na tumambay ako sa gym ay sa fighting room ako unang pumunta. Naroon rin kasi si Blakedaddy (Head Coach ng Eclipse na sikat sa Pinoyexchange) kaya naman ayos lang akong manood ng mga sparring na nagaganap kanina.

Sa kasamaang palad ay wala akong nakitang aksyon. Merong dalawa na nagwre-wrestling sa dulo, samantalang ang iba naman ay nagwa-warm up pa lang sa harap ng salamin. Nakakaboring nga kung tutuusin eh. Mabuti na lamang at ang dahilan ko talaga kanina sa aking pagtambay ay abangan ang pagsulpot ng aming poster boy sa G4M. Sa tinagal-tagal ko kasing nakisama sa kanya upang mag-recruit ng mga bagong members para sa gym namin ay hindi man lang ito nakipagkilala sa akin.

Makaraan ang ilang minuto ay umalis na rin ako sa fighting room para magtungo sa locker at maligo. Gaya ng mga naudlot kong balak noong nakaraan, ang planong mag-enroll sa MMA ay hanggang pangarap na lang muna.

Astig sana ang matangkad ka na, malaki na ang katawan mo

at kaya mo pang mangbalibag ng isang straight na lalaki na babastos sa iyo.

Ang tikas sana na kahit alam mong may taglay kang binabae sa iyong personality ay untouchable ka pa rin ng mga maton na haharang sa iyo.

Maybe in the far future, sakaling may makakumbinsi sa aking maging MMA fighter gaya noong mga napanood ko kanina: Dumating man ang panahon na kaya ko ng mag-angas na siguradong kaya kong panindigan ang lahat ng gagawin ko: Maging sanggano man ako ng Orosa-Nakpil for all I care,

Subalit sa oras na makapanood ako ng video katulad nito.



Asahan mo na kahit napapalibutan na ako ng mga kaaway sa paligid, mamumutawi pa rin sa aking bibig ang mga katagang ito.

"Ang Kyuuuuuuuuttt naman nung teddy bear!!"

Bahala na kung umuwi pa rin akong tadtad ng pasa sa katawan at may limang bukol sa ulo.

No comments: