Monday, April 21, 2008

Ikalima

Ang pangarap ng iba ay naging pangarap ko rin.

At gaya ng mga hopeless romantic sa mundo, may ideal buddy type rin ako. Ngunit dahil alam ng lahat na taken ako, inapplicable sa akin ang tanong tungkol sa ideal partner. Madalas, ang nababanggit ko lang ay ang tipo ng lalaki na gusto kong kalaro sa kama. Sila yung masarap karomansa, lalo na kung gusto mong may kalimutang bahagi ng iyong pagkatao.

Moreno, lean ang katawan, chinito, semikal, matangos ang ilong, maangas sa kilos at pag-asta. Ilan na ba ang sinabihan ko ng mga physical attributes na ito? Di ko na rin mabilang sa totoo lang. Ngunit gaya ng ideal, ang mga katangiang ito ay hanggang pangarap lamang. Sa totoo, it's the personality that makes us connect with the person. Sa tulad ko, palasak na ang konseptong ideal at madalas kumakagat ako sa unang magpaparamdam sa akin ng intimate affection. Wala sa akin ang ideal sapagkat gaya nga ng sinasabi ko paulit-ulit noon, we mold the person until he becomes close to our ideal.

Ngunit paano, kung ang taong unti-unti nating minomold ay dahan-dahan ring nade-deform sa pagdaan ng panahon? Paano ka magre-respond sa sitwasyon na nakikita mo ang pagkukulang sa taong pinakikisamahan mo?

Makipaghiwalay at maghanap ng bago?

Tanggapin ang kanyang mga pagkukulang at magpretend na masaya pa rin ang mundo?

Hanapin ang kanyang mga natitirang good qualities na nakikita mo pa, at palawagin ito sa iyong utak hanggang sa makalimutan mo lahat ng kanyang mga pagkukulang?

---

Marami akong pangarap sa ideal kong relasyon noon...

Nangarap akong magkaroon ng buddy na magiging matigas para sa akin sa tuwing ako ang naliligalig at walang magawa sa isang sitwasyon. Nangarap ako na sa tuwing wala akong maisasagot sa tanong ng mundo, siya ang magbibigay kasagutan para sa aming dalawa.

Nangarap ako ng isang travelling companion. Baguio, Bicol, Ilocos - kahit saan pang dako ng mundo kami makaabot. Naghahanap ako ng tipong hindi ka manghihinayang isama dahil alam mong kaya ka niyang protektahan sa paraang kaya mo siyang bigyan ng proteksyon. Naghahanap ako ng tipong hindi ko proproblemahin ang pag-iinarte o kaya naman ang gastos sa aming paglalakbay.

Nangarap akong ma-treat sa isang restaurant. Yung tipo bang gigimik kami na hati sa gastos at hindi na lang laging ako ang taya. Nangarap akong minsan ay masundo man lang sa trabaho. Ang sarap siguro ng pakiramdam na may nag-aabang sa iyong isang makisig na binata paglabas mo ng lobby ng iyong opisina. Nangarap akong may ka-jamming sa music. Yung hindi tipong ang alam lang niyang mga kumakanta ay yung napapanood niya sa SOP o kaya naman sa ASAP.

Nangarap ako na may dadalhin sa bahay na tipong pupunta roon hindi upang may gawin sa aking computer para sa kanyang academics. Kung siya man ay maliligaw sa amin ay para makipanood ng DVD o kaya naman ay makiusyosyo sa mga games na madalas kong nilalaro sa tuwing ako'y nalalagi sa bahay. Nangarap ako ng isang partner na tatawagin akong asawa, not just by name pero asawa sa isip, salita at gawa. Ayokong matawag na asawa sa tuwing may hihinging pabor lang sa akin o kaya naman ay sa tuwing ako lang ay maalala.

Nangarap ako ng isang kasama na alam kong mag-aalaga sa akin tuwing ako'y nagkakasakit and not always the other way around. Kapag may sakit kasi ako kadalasan ay tinatago ko pa ito sa kanya para hindi siya ma-depress at magkasakit naman sa susunod na mabalitaan ko. Nangarap ako ng isang kapartner na makakasundo ko sa lahat ng ka-weirduhan ng buhay, at hindi lamang magtutuon ng atensyon sa mga materyal na bagay. Nangarap ako ng isang kapantay o mas hihigit pa sa akin - isang buddy na hindi ko lang matatawag na partner kundi pati kuya, sir o pati na rin daddy.

Pero hindi yata ito ang tinadhana sa akin.

Ang sarap mangarap. Lalo na't hindi mo pa nararanasan ang mga bagay na ito.

Ang sarap mangarap... Lalo na't ikaw ay pinanghihinaan na ng loob.

Hindi ako bitter at lalong hindi ako galit. Alam kong unfair ang gumawa ng mga obserbasyong ganito sapagkat maaring hindi ko lang nakikita ang mga binahagi niya sa akin. Ngunit sa tuwing matatanong ko kung ano bang meron sa hinaharap, hindi ko maiwasan bumalik sa aking mga pinangarap.

Parang ang sarap sarap mag time-space warp sa panahong nagsisimula pa lang ako't wala pa sa isipan ko ang jadedness ng buhay na pinasok ko.

Alam ko, bukas o kaya naman sa makalawa ay malilimutan ko rin ito. Ang mga pangarap ay mapapalitan muli ng katotohanan - ng role na kailangan kong gampanan para sa aming dalawa. Malay natin, isang distress call lang pala ang siyang magpapabalik sa status-quo ng aking buhay pag-ibig. Who knows, isang mabuting balita lang pala ang siyang magpapalakas sa aming dalawa.

Pero sa totoo, nasanay na yata ako ng panahon na maging mapag-isa. I think I am bound to grow old on my own.

At tama ang sinabi ko sa "alliance" noong inuman noong sabado.

Sa dinami-dami ng kailangang makalimutan, ang Ikalima pa ang nawala sa kanyang isipan. Hindi man niya ito tuluyang nakalimutan, pero ramdam kong wala na ang halaga ng araw na ito para sa kanya.

Hindi ako galit. Hindi rin ito magreresulta sa pagrerebelde at lalong hindi ito magiging dahilan upang ideklara ang aking kalayaan.

Ngunit kung tatanungin mo ako tungkol sa aking totoong nararamdaman,

isa lang ang masasabi ko.

I feel so empty.

Anuman ang gawing kong pagpapanggap na okay lang ako sa sitwasyon, tao lang ako para hindi makaramdam ng panghihinayang.

---

Ganito man kasakit ang nangyari, alam kong mahal ko pa rin siya.

No comments: