Ang sabi ng mga ninuno ko, magbiro ka na tungkol sa lahat ng bagay, huwag lang ang usapang namatay.
---
Medyo mas maaga akong nagising kanina hindi gaya kahapon. Katulad ng nakaugalian, bago bumangon sa kama ay pipigain ko muna kung ano man ang matigas sa akin... para malaman ko ba kung pati si Batutoy ko ay handa ng humarap sa panibagong araw. Subalit dahil masyado akong atat sa aking day off, pinagpaliban ko na ang papisil-pisil at tuluyan ko ng ginawa ang dapat gawin sa harap ng computer. Sadyang anuman ang gawin ko, mahirap na yata matanggal ang aking pagiging makati.
Isda at gulay na Kalabasa ang aming pananghalian. Dahil hindi naman ako kumakain ng isda, naglambing ako sa aking nanay para makalibre ng Tocilog mula sa Bestfriends. Hindi naman ako nabigo, sapagkat simula pa lang ng araw, heavy na ang pakiramdam ng sikmura ko. Tamang tama dahil noong hapong iyon, alam kong matatagtag ang katawan ko sa gym.
Alas-dos ng hapon sa Diliman. Ramdam na ramdam mo na ang summer break dahil walang estudyante sa paligid. Kahit nga ang Sunken ay simot ang lahat ng tao. Kaya lang naman ako naligaw doon ay upang ipasa ang aking term paper sa Middle Eastern Literature na ilang gabi ko ring pinagpuyatan i-type sa computer. Wala roon ang aming guro at hindi ito naging balakid sa aking lakad. Nagtungo ako sa CAL Office upang dito i-submit ang aking papel.
Ayoko na kasing bumalik ng UP bukas ng umaga.
Nagtungo ako sa Santa Clara matapos bumisita sa aking unibersidad. Maaga pa naman kasi at tiyak na nagpapahinga pa sa kanyang bahay ang aking tuturuan sa gym. Hindi rin naman ako nagtagal sa loob. Ang mahalaga ay nakapagpasalamat ako, sapagkat kung hindi ako tumakbo roon noong isang buwan upang kumuha ng buwelo ay marahil hindi kaagad ako makakabangon sa aking depression. Saka na ulit ako hihingi ng intercession. Magaan naman ang buhay ko kahit paano at magandang pagkakataon ito upang makasukli naman sa kabutihan Niya.
---
Matagal-tagal rin akong nag-intay sa aking kasama bago ito nakarating ng Robinson's Place East. Hindi naman ako nabagot dahil kahit mainit ang araw ay naaliw naman ako kakatingin sa mga taong dumaraan sa harap ko. Di naglaon ay dumating rin ang tuturuan ko at kaagad kaming dumiretso sa gym niya. Medyo hapon na kasi at malayo pa ang uuwian ko kung papaabot pa kami ng gabi.
Masasabi kong malaki ang gym niya kahit ito'y nasa gitna ng isang exclusive subdivision sa Marikina. Sa ground floor ay matatagpuan ang mga cardio machines at weight equipment. Sa itaas naman ay may boxing ring para sa mga mahilig mag-boxing at isang kwarto kung saan ang mga members ay nag-aaral matuto ng Karate.
Libre ang aking work-out dahil bayad ito ng aking kasama. Akala ko nga noong matapos kaming magbayad ay makakadiretso na ako sa locker room. Yun pala, bawal ang nakatsinelas sa kanilang gym. Badtrip nga eh. Di hamak na mas big time ang gym ko, pero mas gusto nila ang nakapaa doon habang nagbubuhat ng barbell. Doon sa gym na pinuntahan namin kanina ay dapat naka-rubber shoes ang mga members. Mabuti na lang at nagdala ng extra na sapatos ang kasama ko. Masikip man ito sa mga paa ko ay ito rin ang nagsilbing daan para makapag-work out kasabay niya.
Sa totoo, malakas ang loob kong magturo ng exercise dahil ito rin ang mga exercise na pinerpekto ko na sa aking gym sa loob ng isang taon. Ang angas ko pa nga maglakad kanina eh. Paano kasi alam kong kahit maliit lang ang katawan ko, ang weights na binubuhat ko ay kasing bigat ng binubuhat ng mga adik doon. Ang 100 pounds na barbell at tinuturing na advance na para sa maraming nagbubuhat ay mani lang para sa akin.
Yun ang aking malaking pagkakamali. Tagumpay man ang mental conditioning ng Eclipse sa akin ngunit pagdating naman sa ibang gym ay matuturing pa rin akong newbie.
Anyway, nagsimulang mag stationary bicycle ang aking kasamang si Deathnote habang ako naman ay abala sa pagsulyap sa mga members na mas malaki ang katawan sa akin. Kung usapang adik lang naman ang comparison, walang tatalo sa mga adik sa gym niya na ang katawan ay parang sa wrestler ng WWE. Sa amin kasi, yung mga adik ay ripped at toned ang katawan. Sila yung tipong pang-swimmer ang body type at ang mga pandesal talaga ay umuumbok sa tiyan kapag nagsipaghubaran sa loob ng locker room.
Ang kina DN, halatang naka-steroids ang ibang mga nagbubuhat doon.
Tinanong ko ang aking estudyante kung meron ba siyang program na sinusunod. Ang sabi niya ay meron. Binanggit pa nga niya sa akin yung leg at dumbell exercises niya eh. Ngunit laking gulat ko nang malaman na ang program niya ay hindi pamilyar sa akin. Palibhasa kasi ay machine-based ang kanila at ang sa akin naman ay free weights. Ang kinalabasan tuloy ay higit na mas naging tameme ako sa aking dapat sana'y tinuturuan.
Babawi sana ako sa pamamagitan ng pagtuturo kay DN ng aking free weight training. Madali lang naman siya kung tutuusin. Ngunit dahil ako'y nasa unfamiliar territory, mahirap umiba ng ginagawa sa marami. Bukod pa dito, sikat sa aming gym ang mga bagong members na umaatras matapos ang kanilang first day of work out. Ito ay dahil sa takot na nabalian sila ng balakang, likod at pati na rin Spinal Cord na sa totoo ay arte lang. Pero dahil sa hindi ako kumpyansa na matuturuan ko ng tamang execution si DN, pinakita ko na lang sa kanya ang program sa pag-asang balang araw ay susubukan rin niya ito.
Hindi pa ako natatapos ng aking unang set nang biglang may nagtext sa akin.
Malabo ang dating ng text message sa akin. Pero dahil nandoon ang mga katagang "prayers for the eternal repose of his soul," kinutuban na ako sa ibig sabihin ng text. Habang si DN ay abala sa kanyang program, pumunta ako malapit sa bintana upang kaagad matawagan ang ilan sa aming kabarkada at itanong kung nakatanggap rin sila ng text message na kagaya ng sa akin. Ang sabi nila ay hindi. Para makasiguro, sila na ang pinatawag ko sa phone ni kapre upang malaman ang katotohanan sa likod ng forwarded na message.
Pilit ko mang itago kay DN ang aking pagkaligalig ay ramdam pa rin niya ito dahil sa aking napakalayo at paguhong mga tingin. Nahihiya rin naman akong ikwento kay DN ang aking sitwasyon dahil alam kong na-trauma na rin ang binata matapos manakaw ang aking phone noong huli kaming magkasama. Walang namang response galing sa phone ni kapre sabi ng aking katropa. Ayaw ko man i-forward sa kanya ang buong text message ngunit dahil sa kakakulit nito ay sinend ko rin sa kanya ang nakakagimbal na balita.
Noong isang taon lang ay namatay ang aming isang kabarkada matapos itong igupo ng sakit na pneumonia. Lubha kaming na-traumatize sa pangyayari at simula noong sumunod naming inuman, may extra beer at upuan na bakante na ang aming table. Ito ay para sa aming namatay na katropa.
Wala pang isang taon ang nakalipas ay namatay naman ang tatay ni kapre dahil sa heart attack. Kung tutuusin ay halos taon taon na may nawawala sa aming pamilya. Ang mabalitaan na ang pinuno ng aming tropa ay nadedo sa isang aksidente ay isang bagay na hindi namin matatanggap ng basta na lamang.
Hindi kami nagtagumpay sa aming career para lamang bawiin ng maaga sa buhay.
Pansin kong apektado na si DN ng aking personal na crisis. Ako naman ay pilit nagiging optimistic sa kabila ng aking mga naiisip sapagkat sa tatlong taong tinawagan kong malapit kay kapre, wala ang ni-isa man rito ang nagsabing nakatanggap din sila ng text message na katulad ng sa akin. Maari kayang nagtri-trip ang ka-pamilya ng tropa ko? Naisip kong ito'y malabo sapagkat alam kong sila ay nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang ama. Hindi kaya may nagnenok ng sim card ni kapre at upang makaganti sa aking tropa ay pinagkalat niya na ito'y namatay? Posible, pero kailangan ko ng proof.
Nag-intay pa ako ng tatlongpung minuto upang magcall-back ang mga binalitaan ko. Distracted man ako'y pilit ko pa ring tinuturo kay DN ang mga silbi ng iba't ibang exercise equipment at kung paano ito nakakatulong sa pagpapalaki ng katawan ng isang tao.
Marami pa sana akong gusto ituro sa kasama ko. Ngunit alam kong sa sitwasyon ko noong mga oras na iyon, ang paghihintay ng balita tungkol kay kapre ang talagang pinagkakaabalahan ng utak ko at hindi ang work out.
Si DN na ang nagsabing tapos na ang kanyang training. Dahil ako naman ay durog na kakaintay sa kung ano talaga ang nangyari kay kapre, sunud sunuran na lang ako kung saan magsuot ang aking kasama.
Tumungo kami sa locker room upang magbihis. Tamang tiyempo naman sapagkat habang nagsusuot ako ng shirt ay biglang nag-ring ang telepono ko.
"Fuck, I should brace for the news." Sabi ko ng may halong panginginig sa aking sarili.
Sa sobrang galak ay napamura na lang ako habang lahat ng nagbibihis sa locker room ay napatingin na lang sa akin dahil sa ingay ko.
Kung tutuusin ay hindi cool ang prank ng utol niya. Bukod sa nagmukhang tanga ako dito, kinuryente* ko pa ang ilan sa malapit na tao sa amin nang i-forward ko sa kanila ang text na natanggap ko. Ngunit sa kabila nito, ang mahalaga ay okey lang si kapre at naparamdam namin sa kanya kung gaano siya ka importante sa amin. Tama na ang malagasan kami ng isang barkada, ang magkaroon ng kasunod niya ay hindi na nakakatuwa pa.
Bago kami makalabas ng gym ay nakatanggap ulit ako ng message galing sa number ni kapre.
Kung alam lang niya ang abalang dulot ng April Fool's joke ng utol niya.
Dahil sa ako'y shaken pa sa mga nangyari ay balak ko pa sanang tumambay kasama ni DN. Kasabay ng pananamlay ng katawan ay bigla naman akong nawalan ng gana umuwi ng bahay. Alam ko kasi na sa pagbalik ko roon ay balik sa dating gawi ang buhay ko. Minsan na nga lang ako magkaroon ng diversion ay hindi ko pa ito sasagad-sagarin.
Palakad na sana kami patungong bayan ng Marikina nang bigla ulit mag-ring ang aking telepono.
"Jay nandito sa bahay yung skycable. Magkakabit daw sila ng digibox." Kasambahay namin ang tumawag.
Pucha not again... dali-dali akong nagpaalam kay DN upang sumakay ng jeep na magdadala sa akin sa Santolan LRT Station. Hindi lang naudlot ngayong araw ang pagtuturo ko ng exercise kay DN, nasira rin ang pagkakataon na makagimik ko siya ng matagal-tagal na oras pa.
---
Epilogue: Sa pangalawang pagkakataon ay nakuryente ulit ako pagdating ng bahay. Napagkasunduan kasi namin ng customer service agent ng Skycable noong isang linggo na kukuha ako ng extra digibox para sa aking TV sa kwarto. Kapalit nito ay magbabayad ako ng dalawang libo para sa paggamit digibox. Handa na ang pera nang magkita kami ng technician kanina. Dalawa nga ang nakasaad na digibox para sa aming account eh.
To my surprise, sabi ng technician na parehong free ang dalawang digibox. Hindi na lang ako nagsalita at baka bawiin pa niya ang kanyang unang sinabi. Ang masaklap lang, napauwi na ako ng wala sa oras, problema ko pa ngayon kung paano ibabalik sa bangko ang perang nailabas ko na.
---
*Kapre - hindi tunay na pangalan. six footer na barkada ko noong college. moreno ang kulay ng kanyang balat kaya tinawag ko siyang kapre.
*Kuryente - journalism term. ibig sabihin ay ang mabiktima ng maling balita at makalat ito ng hindi sinasadya. Ex. Si DN ay may panganay na anak na lalaki.

"GM: My brother kapre* figured in an accident an hour ago. Our family will appreciate all prayers for the eternal repose of his soul. Details soon. Thank you."
Malabo ang dating ng text message sa akin. Pero dahil nandoon ang mga katagang "prayers for the eternal repose of his soul," kinutuban na ako sa ibig sabihin ng text. Habang si DN ay abala sa kanyang program, pumunta ako malapit sa bintana upang kaagad matawagan ang ilan sa aming kabarkada at itanong kung nakatanggap rin sila ng text message na kagaya ng sa akin. Ang sabi nila ay hindi. Para makasiguro, sila na ang pinatawag ko sa phone ni kapre upang malaman ang katotohanan sa likod ng forwarded na message.
Pilit ko mang itago kay DN ang aking pagkaligalig ay ramdam pa rin niya ito dahil sa aking napakalayo at paguhong mga tingin. Nahihiya rin naman akong ikwento kay DN ang aking sitwasyon dahil alam kong na-trauma na rin ang binata matapos manakaw ang aking phone noong huli kaming magkasama. Walang namang response galing sa phone ni kapre sabi ng aking katropa. Ayaw ko man i-forward sa kanya ang buong text message ngunit dahil sa kakakulit nito ay sinend ko rin sa kanya ang nakakagimbal na balita.
"Pare I'm freaking out here at work. Sana naman ay hindi totoo ang balita."
Noong isang taon lang ay namatay ang aming isang kabarkada matapos itong igupo ng sakit na pneumonia. Lubha kaming na-traumatize sa pangyayari at simula noong sumunod naming inuman, may extra beer at upuan na bakante na ang aming table. Ito ay para sa aming namatay na katropa.
Wala pang isang taon ang nakalipas ay namatay naman ang tatay ni kapre dahil sa heart attack. Kung tutuusin ay halos taon taon na may nawawala sa aming pamilya. Ang mabalitaan na ang pinuno ng aming tropa ay nadedo sa isang aksidente ay isang bagay na hindi namin matatanggap ng basta na lamang.
Hindi kami nagtagumpay sa aming career para lamang bawiin ng maaga sa buhay.
Pansin kong apektado na si DN ng aking personal na crisis. Ako naman ay pilit nagiging optimistic sa kabila ng aking mga naiisip sapagkat sa tatlong taong tinawagan kong malapit kay kapre, wala ang ni-isa man rito ang nagsabing nakatanggap din sila ng text message na katulad ng sa akin. Maari kayang nagtri-trip ang ka-pamilya ng tropa ko? Naisip kong ito'y malabo sapagkat alam kong sila ay nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang ama. Hindi kaya may nagnenok ng sim card ni kapre at upang makaganti sa aking tropa ay pinagkalat niya na ito'y namatay? Posible, pero kailangan ko ng proof.
Nag-intay pa ako ng tatlongpung minuto upang magcall-back ang mga binalitaan ko. Distracted man ako'y pilit ko pa ring tinuturo kay DN ang mga silbi ng iba't ibang exercise equipment at kung paano ito nakakatulong sa pagpapalaki ng katawan ng isang tao.
Marami pa sana akong gusto ituro sa kasama ko. Ngunit alam kong sa sitwasyon ko noong mga oras na iyon, ang paghihintay ng balita tungkol kay kapre ang talagang pinagkakaabalahan ng utak ko at hindi ang work out.
Si DN na ang nagsabing tapos na ang kanyang training. Dahil ako naman ay durog na kakaintay sa kung ano talaga ang nangyari kay kapre, sunud sunuran na lang ako kung saan magsuot ang aking kasama.
Tumungo kami sa locker room upang magbihis. Tamang tiyempo naman sapagkat habang nagsusuot ako ng shirt ay biglang nag-ring ang telepono ko.
"Fuck, I should brace for the news." Sabi ko ng may halong panginginig sa aking sarili.
"Tol tawag dito. Nakausap ko na si kapre. Praning talaga yung utol nun. April Fools joke lang daw. Tangina, natakot talaga ako doon. Pare kala ko totoo."
Sa sobrang galak ay napamura na lang ako habang lahat ng nagbibihis sa locker room ay napatingin na lang sa akin dahil sa ingay ko.
Kung tutuusin ay hindi cool ang prank ng utol niya. Bukod sa nagmukhang tanga ako dito, kinuryente* ko pa ang ilan sa malapit na tao sa amin nang i-forward ko sa kanila ang text na natanggap ko. Ngunit sa kabila nito, ang mahalaga ay okey lang si kapre at naparamdam namin sa kanya kung gaano siya ka importante sa amin. Tama na ang malagasan kami ng isang barkada, ang magkaroon ng kasunod niya ay hindi na nakakatuwa pa.
Bago kami makalabas ng gym ay nakatanggap ulit ako ng message galing sa number ni kapre.
"Jay, am stil alive... Tnext ng utol ko. April fool day daw.. Di ko alm. Gago tlaga un. Sensya na.. Kitakits tau pagbalik ko. Prov ako 4 my dad's 40 days..."
Kung alam lang niya ang abalang dulot ng April Fool's joke ng utol niya.
Dahil sa ako'y shaken pa sa mga nangyari ay balak ko pa sanang tumambay kasama ni DN. Kasabay ng pananamlay ng katawan ay bigla naman akong nawalan ng gana umuwi ng bahay. Alam ko kasi na sa pagbalik ko roon ay balik sa dating gawi ang buhay ko. Minsan na nga lang ako magkaroon ng diversion ay hindi ko pa ito sasagad-sagarin.
Palakad na sana kami patungong bayan ng Marikina nang bigla ulit mag-ring ang aking telepono.
"Jay nandito sa bahay yung skycable. Magkakabit daw sila ng digibox." Kasambahay namin ang tumawag.
Pucha not again... dali-dali akong nagpaalam kay DN upang sumakay ng jeep na magdadala sa akin sa Santolan LRT Station. Hindi lang naudlot ngayong araw ang pagtuturo ko ng exercise kay DN, nasira rin ang pagkakataon na makagimik ko siya ng matagal-tagal na oras pa.
---
Epilogue: Sa pangalawang pagkakataon ay nakuryente ulit ako pagdating ng bahay. Napagkasunduan kasi namin ng customer service agent ng Skycable noong isang linggo na kukuha ako ng extra digibox para sa aking TV sa kwarto. Kapalit nito ay magbabayad ako ng dalawang libo para sa paggamit digibox. Handa na ang pera nang magkita kami ng technician kanina. Dalawa nga ang nakasaad na digibox para sa aming account eh.
To my surprise, sabi ng technician na parehong free ang dalawang digibox. Hindi na lang ako nagsalita at baka bawiin pa niya ang kanyang unang sinabi. Ang masaklap lang, napauwi na ako ng wala sa oras, problema ko pa ngayon kung paano ibabalik sa bangko ang perang nailabas ko na.
---
*Kapre - hindi tunay na pangalan. six footer na barkada ko noong college. moreno ang kulay ng kanyang balat kaya tinawag ko siyang kapre.
*Kuryente - journalism term. ibig sabihin ay ang mabiktima ng maling balita at makalat ito ng hindi sinasadya. Ex. Si DN ay may panganay na anak na lalaki.
No comments:
Post a Comment